Never let your sense of morals prevent you from doing what's right.
~Isaac Asimov
Be always sure you're right, then go ahead.
~Davy Crockett
I hate mankind, for I think myself one of the best of them, and I know how bad I am.
~Joseph Baretti, quoted by James Boswell
I have had more trouble with myself than with any other man I have ever met.
~Dwight Lyman Moody
‘na-interview ako nung isang araw,’ bida ni charlie (trainer ko, kaibigan na rin), ‘tinanong nila ako kung anong tingin ko sa gay o lesbian na gustong magpakasal.’
‘anong sabi mo?’ tanong ko.
‘sabi ko, kung maayos naman sila, OK lang,’ sabay game face. in a very straight guy’s mind, proud sya sa sinabi nya. in front of the camera of a nationally syndicated tv show, no less.
‘tingin mo tama ang sinabi mo?!” tanong ko.
‘ano?’ out of balance si charlie. halatang hindi nya inaasahan ang reaction ko.
‘pag straight kung gusto nilang magpakasal, OK. pero kung gay marriage, dapat maayos. ganun? anong klaseng double-standard yan?’
‘hindi yun ang ibig kong sabihin,’ medyo hurt na ang tono.
‘yun na nga, eh. you’re so proud na you are tolerant of gay marriages. OK sa iyo, pero may kundisyon ka. eh, bakit pag magpapakasal ba ang mga taong katulad mo, sabihin ko kailangan maayos ka muna, OK ba yun?’
30 minutes kaming nagbubungangaan sa isyu habang nagwo-work out.
finally, napagod rin kaming dalawa. sa work out. sa argumento.
kiel -1, charlie – 0.
kaya nag stretching na lang kami.
‘reklamo ng jowa ko, nothing escapes me.’ medyo contemplative na ako, sa pagod siguro.
‘anong ibig sabihin nun?’ nakataas ang kilay nya habang hawak ang hita ko malapit sa mukha nya.
‘wala daw akong pinalalampas. hindi daw pwedeng magsinungaling. hindi rin pwedeng mag-sabi ng mali.’ sabi ko habang nakahiga, nakatingin sa palabas na 'showtime' na walang sound sa ibabaw ng ulo ni charlie.
‘tama sya,’ itinulak pa ni charlie ang hita ko palapit sa dibdib, ‘minsan nga naiisip ko, paano ba tumatagal sa iyo ang mga tao. lagi ka na lang tama. lagi kang may argumento.’
kiel – 1, charlie – 1.
habang sakay ng tricyle galing gym papunta ng bahay, naiisip ko tuloy, ganun ba ako? mahirap ba akong pakisamahan? have i turned into one of those assholes who always think they are right?
pagdating sa opis, pagkatapos ng lunch, nagyosi kami ni rei, twenty something kong ka-opisina sa fire exit. nai-kwento ko sa kanya ang argumento namin ni charlie. habang tumatawa sya, napansin ko na pipi ang suso nya sa ilalim ng t-shirt, umabot na sa may bibig ni elmo na print sa harap.
‘mali na naman ang bra mo. hindi ba na-aadjust yan?’
‘ha? hindi eh.’
‘talikod ka.’ bago sya nakahuma, nilislis ko ang t-shirt nya at hinanap ang adjustment ng strap, ‘eto o.’ sabay hatak. ‘o tignan mo, hindi na depressed ang boobs mo.’
‘ay, oo nga,’ tawa na naman si rei. ‘nasa mata na ni elmo ang boobs ko!’
naisip ko, kahit na minsan pwedeng nakakainis ako. OK na rin kasi minsan, kaya kong i-adjust ang bra ng kaibigan without thinking about it twice.
Monday, June 27, 2011
Thursday, June 2, 2011
takbo
kanina lang, tumakbo ako ng tatlong kilometro nang hindi humihinto.
natuwa ako dahil ang personal best ko ay 1.44 kilometers sa sampung minuto. tinakbo ko ang tatlong kilometro sa 21 minuto. nilampasan ko yung normal kong distansya pati oras. hindi naman ito remarkable sa pang atletang batayan. pero masaya pa rin ako dahil 'tinalo' ko ang sarili ko.
bago mag-gym, naghuntahan kami ng mga matagal ko nang kaibigan. katulad ng alak sa mga bata, dumako ang usapan sa 'bisyo' naming pag-usapan ang mga problema ng isa't-isa.
isa sa mga problema ay ang pagkawala ng enchantment sa relasyon. yung bang kung noon may mga katangian ang asawa/boyfriend/ka-fling mo na gumugulat sa iyo, nagpapa-ikot ng tiyan mo, nagsasabi sa iyo - 'di ko lang siya mahal, gusto ko siya'. ang problema, pagkatapos ng ilang taong pagsasama, yung mga katangian noon na gusto mo, minsan nawawala. minsan hindi na nakakatuwa. mas malala pa, minsan - yung mga katangiang dati mong ginusto - yun mismo ang kinakainisan mo.
sabi ni inday, isa sa mga pantas kong kaibigan, normal na dadaanan ito ng bawat relasyon. na sa isang yugto - hindi na yung 'gusto' ang basehan ng relasyon. mas malalim na.
tanong ko, 'ano yun?'
sagot nila iba iba. love. shared sense of history. security. companionship.
nabasa yata ng mga kaibigan ko ang expression ng mukha ko. sabi nila - 'bored ka lang.'
umepal ulit si inday. sabi niya, para hindi ka ma bore, kailangan ma discover mo ulit yung sense of wonderment at curiosity ng isang bata. yung i-challenge mo ulit yung sarili mo na matutunan ang mga bagay na hindi mo alam. magawa ang mga bagay na hindi mo kaya.
pagdating sa gym, isinet ko yung treadmill sa tatlong kilometro. isinuot ko yung headphones ko. pinatugtog ko si mariah. saka ako tumakbo.
habang tumatagaktak ang pawis ko, naisip ko. OK itong pagtakbo. may pakiramdam kang mabilis kang gustong makakarating sa patutunguhan mo. parang may goal ka bigla. parang may iniiwan ka. (kahit sa totoo lang hindi ka naman gumagalaw sa treadmill.) tapos, sa partikular na oras na parang mapapagot na ang hininga mo, wala nang mas importante pa kundi mai-hakbang mo ang paa mo. isa pang beses. hanggang tumuloy-tuloy lang. ma-realize mo na hindi naman pala hihinto ang puso mo. kaya mo pa pala. bagama't akala mo ay papanawan ka na nang ulirat, sosopresahin mo sarili mo - kaya mo pa pala.
tapos naisip ko, ang daming gamit ng salitang 'takbo'. pwedeng takbuhan ang problema. pwedeng isiwalat ang itinakbo ng istorya. pwedeng tumakbo bilang kongresista, senador, presidente. aba, eh sa dami ng ibig sabihin, hindi nga ba na lahat tayo ay tumatakbo kahit sa isa man lang pakahulugan? dapat lang. takbo lang nang takbo.
nag-flash na yung control board ng treadmill. cool down. tapos na ang tatlong kilometro. umaatungal pa rin si mariah, 'i had a vision of love...'
habang pinapahid ko yung pawis ko, saka ko naisip:
malayo pa ang tatakbuhin ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)