Monday, June 27, 2011

up right

Never let your sense of morals prevent you from doing what's right.
~Isaac Asimov

Be always sure you're right, then go ahead.
~Davy Crockett

I hate mankind, for I think myself one of the best of them, and I know how bad I am.
~Joseph Baretti, quoted by James Boswell

I have had more trouble with myself than with any other man I have ever met.
~Dwight Lyman Moody



‘na-interview ako nung isang araw,’ bida ni charlie (trainer ko, kaibigan na rin), ‘tinanong nila ako kung anong tingin ko sa gay o lesbian na gustong magpakasal.’

‘anong sabi mo?’ tanong ko.

‘sabi ko, kung maayos naman sila, OK lang,’ sabay game face. in a very straight guy’s mind, proud sya sa sinabi nya. in front of the camera of a nationally syndicated tv show, no less.

‘tingin mo tama ang sinabi mo?!” tanong ko.

‘ano?’ out of balance si charlie. halatang hindi nya inaasahan ang reaction ko.

‘pag straight kung gusto nilang magpakasal, OK. pero kung gay marriage, dapat maayos. ganun? anong klaseng double-standard yan?’

‘hindi yun ang ibig kong sabihin,’ medyo hurt na ang tono.

‘yun na nga, eh. you’re so proud na you are tolerant of gay marriages. OK sa iyo, pero may kundisyon ka. eh, bakit pag magpapakasal ba ang mga taong katulad mo, sabihin ko kailangan maayos ka muna, OK ba yun?’

30 minutes kaming nagbubungangaan sa isyu habang nagwo-work out.

finally, napagod rin kaming dalawa. sa work out. sa argumento.

kiel -1, charlie – 0.

kaya nag stretching na lang kami.

‘reklamo ng jowa ko, nothing escapes me.’ medyo contemplative na ako, sa pagod siguro.

‘anong ibig sabihin nun?’ nakataas ang kilay nya habang hawak ang hita ko malapit sa mukha nya.

‘wala daw akong pinalalampas. hindi daw pwedeng magsinungaling. hindi rin pwedeng mag-sabi ng mali.’ sabi ko habang nakahiga, nakatingin sa palabas na 'showtime' na walang sound sa ibabaw ng ulo ni charlie.

‘tama sya,’ itinulak pa ni charlie ang hita ko palapit sa dibdib, ‘minsan nga naiisip ko, paano ba tumatagal sa iyo ang mga tao. lagi ka na lang tama. lagi kang may argumento.’

kiel – 1, charlie – 1.

habang sakay ng tricyle galing gym papunta ng bahay, naiisip ko tuloy, ganun ba ako? mahirap ba akong pakisamahan? have i turned into one of those assholes who always think they are right?

pagdating sa opis, pagkatapos ng lunch, nagyosi kami ni rei, twenty something kong ka-opisina sa fire exit. nai-kwento ko sa kanya ang argumento namin ni charlie. habang tumatawa sya, napansin ko na pipi ang suso nya sa ilalim ng t-shirt, umabot na sa may bibig ni elmo na print sa harap.

‘mali na naman ang bra mo. hindi ba na-aadjust yan?’

‘ha? hindi eh.’

‘talikod ka.’ bago sya nakahuma, nilislis ko ang t-shirt nya at hinanap ang adjustment ng strap, ‘eto o.’ sabay hatak. ‘o tignan mo, hindi na depressed ang boobs mo.’

‘ay, oo nga,’ tawa na naman si rei. ‘nasa mata na ni elmo ang boobs ko!’

naisip ko, kahit na minsan pwedeng nakakainis ako. OK na rin kasi minsan, kaya kong i-adjust ang bra ng kaibigan without thinking about it twice.

2 comments:

  1. wala ka naman nang tanong sa sarili mo, sabi mo naman "ok na rin" so ok na. i suppose, bubuhayin na lang namin ni charlie ang usapang ito... bukas.

    para lang pumalakpak: gusto kong i-share ito sa fb. hahaha

    ReplyDelete
  2. more more....
    too late to find this blog
    hehhee please visit mine too
    kyaaaaaaaaaaah
    pa follow na din kung like mo,,,
    heheh btw nice blog to read
    more more MORE!!!

    ReplyDelete